AMIN NA LANG ANG BIRHEN NG PEREGRINA!!!
Kaninang a las siete pasado ng gabi. Naglalakad ako pauwi ng bahay nang makasalubong ko ang isang kaibigan at kapanalig na si Kuya Glenn Lopez. Isa siya sa mga nagmamalasakit sa Nuestra SeƱora de la Peregrina, isang imagen venerada na matatagpuan sa ngayo'y simbahan ng Saint Anthony Shrine, tapat ng Dambanang Arkidiosesis ng Mahal na Birhen ng Loreto. Napag-usapan namin ang napurnadang paglabas ng Peregrina nitong nakaraang Linggo. Ipinahayag ko sa kaniya ang aking panghihinayang at pagkadismaya sa hindi paggora ng Mahal na Birhen nitong nakaraang prusisyon. Maano'y mainis-inis sa hindi pagpapakita ng amor ng ilang mga tao sa Simbahang Pransiskanong ito. Hindi man lang nila asikasuhin ang Mahal na Birhen, knowing the fact na ito naman talaga ang titular na patron ng simbahan. Gayon din ang himutok ni Kuya Glenn. Kung sakaling nagpaka-lukring daw siya noong tanungin siya ni Fra. Cielito kung kaniya ba ang imahen ng Peregrina ay sasabihin niya talagang "Oo, sa...