LA CASA ROJA EN CALLE PLATERIA: Una Prosa de Tragedia
N oon daw sa tuwing sumasapit ang araw ng Traslación, sinasabi nilang may isang bahagi ng calle Platería kung saan ang pilak na andas ng Señor ay unti-unting bumibigat at sumasadsad sa lupa sa tuwing tumatahak ang prusisyon sa kalyeng ito. Matagal na panahong nagpasalin-salin ang kwentong ito sa mga henerasyon ng mga deboto ng Nazareno at maraming nagpapatotoong hindi ito kathang-isip lamang. Sabi nila, sa isang sulok ng calle Platería may isang pamilyang minsan nang nanirahan doon na naging dahilan nitong kamangha-manghang pangyayari: at namuhay sila sa tinatawag nilang “ bahay na pula .” Taun-taon sa dakong dating kinatayuan ng bahay sumasadsad at bumibigat ang andas ng Nuestro Padre Jesús Nazareno, at pinanggigilalasan ito ng mga deboto. Ano kaya ang dahilan ng mga bagay na ito? Anong hiwaga kaya ang inililihim ng minsang tinatawag nilang “ casa roja ?” Isa ang calle Platería sa mga nakaaalwan ngunit laging abala...