"SI MISS PHATHUPATS"
(Here is the Tagalog translation by Lourdes H. Vidal of the prose "I Miss Phathupats" of Juan Crisostomo Sotto.) Magbalik sa orihinal na teksto. Go to the English translation. x-----------------------x Si Miss Phathupats isinulat ni Juan Crisostomo Sotto isinalin ni Lourdes H. Vidal Punong puno ng kolorete ang mukha ng dalagang si Miss Yeyeng. Sabi nila ipinanganak ang kanyang mga magulang sa sulok ng Pampanga, sa pinakamaliliit na bayan nito. Dahil dito Pilipina si Miss Yeyeng mula ulo hanggang paa, at kahit sa kadulu-duluhan ng kanyang buhok, Kapampangan siya. Dahil mahirap lang sila, pagtitinda ang ikinabubuhay. Nakikita si Miss Yeyeng na sunong ang ginataan o kaya bitso-bitso na inilalako niya sa mga sugalan. Nagdalagang walang pagbabago sa buhay nitong binibini. Natapos ang rebolusyon. Nagbukas ng paaralan ang pamahalaang militar ng America at dito pinagturo ang mga sundalong Americano. Nangyaring si Miss Yeyeng pa noo, ala ang binibini, ay nagka...