AMIN NA LANG ANG BIRHEN NG PEREGRINA!!!

Kaninang a las siete pasado ng gabi. 

Naglalakad ako pauwi ng bahay nang makasalubong ko ang isang kaibigan at kapanalig na si Kuya Glenn Lopez. Isa siya sa mga nagmamalasakit sa Nuestra Señora de la Peregrina, isang imagen venerada na matatagpuan sa ngayo'y simbahan ng Saint Anthony Shrine, tapat ng Dambanang Arkidiosesis ng Mahal na Birhen ng Loreto. 

Napag-usapan namin ang napurnadang paglabas ng Peregrina nitong nakaraang Linggo. Ipinahayag ko sa kaniya ang aking panghihinayang at pagkadismaya sa hindi paggora ng Mahal na Birhen nitong nakaraang prusisyon. Maano'y mainis-inis sa hindi pagpapakita ng amor ng ilang mga tao sa Simbahang Pransiskanong ito. Hindi man lang nila asikasuhin ang Mahal na Birhen, knowing the fact na ito naman talaga ang titular na patron ng simbahan. Gayon din ang himutok ni Kuya Glenn. Kung sakaling nagpaka-lukring daw siya noong tanungin siya ni Fra. Cielito kung kaniya ba ang imahen ng Peregrina ay sasabihin niya talagang "Oo, sa pamilya namin ang Mahal na Birhen" maisalba lamang ang imahen sa di-maayos na pagtrato ng mga taong inatasan ng Kataastaasan. Sabihin pa, nais halinhan ni Fra. Cielito ang kinalalagyan ng Birhen ng isang dambuhalang LCD screen at tila sagabal ang Birhen sa nasabing aparato apparuit! Ni hindi man lamang sinunod ang orihinal na deseño ng retablo ni Arquitecto Gervacio Amistoso kung saan makikitang nasa kanang bahagi ng retablo ang kinalalagyan ng Peregrina. Ayun! Inilagay sa gilid ang Birhen, kalinya ng Anak niya na naroroon sa Tabernakulo sa kanang side altar dati [ehem!].

Ang masaklap pa, "tinabasan" ang likurang bahagi ng imahen ng Peregrina bilang pag-adjust sa patungang retablo. Aba naman at ang Mahal na Birhen pa ang mag-aadjust sa makalupang kamalian niyo?! Naku naman! Di bale sana kung preciosa ang materyales na ginamit sa retablo. Eh ang pagkakadinig ko'y fiber glass ang buong retablo! [Naku, ninegosyo kayo, mana fraile!!! Wahahaha!] Kaawa-awang retablo, siguro sampung taon ang ating bibilangin at magbibitak ang kabuuan nito dahil sa porosity ng materiales fuertas!

Mabalik tayo sa napurnadang paglabas ni Inang Manlalakbay. Ayun po, ang imaheng Inmaculada Concepcion ni Kuya Erick ang ginawang pansamantalang Virgen de Peregrina. Kasi kasi, sino ba ang bumulong sa tainga ni Fra. Esmeraldus Enalfeus OFM at hindi ipinalabas ang Birhen. Ang siste kase mga apo, may chumika kay Fra. Esmeraldus na "maropoc na ang camot [camay] nang Virgen. Houag nio na siang gagaiacan..." Teka aber, nakasisiguro ka ba, kung sino ka man, sa sinabi mong iyan?! At bakit, camarera ka ba ng Virgen at na-check up mo ba? Parang parehong cuento yan noong nakaraang taon...

"Cafiestahan nang Reina de Sampaloc at dapat ai ybababa ang Virgen ng Loreto mula sa pedestal sa altar mayor. Eh, mey bumulong yata cai Monsignor at hindi nia pinaiagang ybaba ang vera imagen ng Loreto."

Alam niyo sa totoo lang, mga apo, hindi na naubos ang lahi ng mga ghost whisperers na iyan eh. Mga panira sila sa magandang hangarin ng iba! Hindi sila nakatutulong sa ating lipunan. Aywan ko ba, mga apo!!!

Natapos ang usapan namin ni Kuya Glenn sa isang manifesto: sikaping ipalaganap ang nawalang debosyon ng Nuestra Señora de la Peregrina, ilang dekada na ang lumipas.

Sayang, mga anak ni Isko! Tsansa n'yo nang magpa-pogi points sa mga Anthonian devotees, eh nag-iinasong inarte kayo, mga anak ng coqueta kayo. . . ayan!

NGANGA!!!




Comments

Post a Comment

Popular posts from this blog

"MISS PHATHUPATS"

"SI MISS PHATHUPATS"

Y MISS PHATHUPATS